Sunday, March 6, 2016

Friday Favorites: Week 9 of 2016

#LatePost

Ayokong mag-promise pero pipilitin kong mag-update ng Friday Favorites and Weekend Wrap Up series ko.

Monday, I dressed in corporate attire because my manager told me that she'll conduct an intensive training with me and another newbie.



Si Chloe naman, sinundo ng Tita Shannon niya kasi dumating ang father-in-law ko na nagbabarko.

Grabidad! Napahinga ang utak ko ng mahaba-habang panahon at biglang muling pina-gana ng matinding computation at maraming jargon na halos duguin ako. Haha. 


Tuesday, I had my second meeting with our team.



Duz cooked Special Pansit topped with sayote, hard-boiled egg, fried siomai, kikiam, squid balls and fish balls.


My FIL sent me this picture.


Caught on cam ang anak ko na nag-me-make face dahil inutusan siya ng lolo niya tumulong mag-linis. Haha.

Tuesday afternoon, hinatid nila si Chloe sa bahay namen sa Fairview. Hindi ko rin inexpect na pupunta ang FIL ko samin. May matagal na silang tampuhan ni Duz. In fact, nung huling bakasyon niya, hindi kame nagkita-kita. Natutuwa naman ako dahil nung nag-message ako sakanya na sana madalaw niya si Duz, pumunta naman siya agad. In short, it was a reunion.


I gave them enough time to catch up at para mag-kausap din in private.



Thank you Lord, for another answered prayer.

Pasalubong -- karamihan, galing Germany.



Wednesday, hatid-sundo kay Chloe.



Duz served this homemade burger to us.



Thursday, sinubukan ko mag-review para sa exam ko ng Friday. 


Cheese sticks naman ang mineryenda ng mag-ama ko.



Friday, I took the licensing exam kahit hindi ako prepared. Honestly, ayoko na sanang i-risk na mag-take ng exam that day dahil hindi ako confident na maipapasa ko sila. I was so preoccupied last Wednesday and Thursday at hindi ako nakapa-concentrate sa pag-re-review. But I decided to take the 2 exams (Life and Variable). Kelangan daw kasi maipasa yun para maihabol kame sa next batch of training which is on March 8 - 10 or else, next batch na kame which will be in April. OMG. Sabi ko, hindi pwede. Kelangan makapag-start na ako ng work.


I passed the more difficult exam (Variable). Pasang-awa. 70% ang passing. 70% ang nakuha ko. Unfortunately, I failed the other exam (Life). Mas madali yun kung tutuusin kaya lang nataranta ata ako kasi yung kasabay ko, ang bilis niyang natapos. Nung tumayo siya at pinasa niya yung test paper, na-rattle na ako. Sumablay ako sa True or False pa. Gosh. Ayun. Magre-retake ako next week. Sayang lang kasi P710 ang fee per exam. At hindi biro ang bumyahe from Fairview to Manila that takes almost 3 hours dahil sa traffic lalo na pag Friday dahil Quiapo Day.

Anyway, move on na ko. Masaya naman ako dahil inilaban ng manager ko na makasama sa training next week regardless kung pasado o hindi sa licensure exams. Yehey! Thank you, Lord.

After ng exam, dumiretso ako sa bahay ng in-laws ko. Andun na kasi sila Duz and Chloe. 

Kumakain ba kayo ng aso? Haha. Bakit ko naitanong? Yun kasi ang handa sa kanila. Sarap na sarap sila. May adobo, dinuguan at dinakdakan. Si Chloe, akala niya pork ang kinakain niya. Walang kamalay-malay. Ako? Nag-prito ng itlog para may mai-ulam. Haha :)

That's it!



2 comments:

  1. Congrats sa pagpasa sa exam at good luck sa pagretake nung isa pa. Kaya mo yan, sis!

    Bigla ako nagcrave ng burger at cheese sticks! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks Edel. Gawa ka ng homemade burger. Tapo ung cheese sticks na yan, ready made, binili ko lang sa market. Mas masarap pa rin kung homemade.

      Delete