Monday, November 2, 2015

Happy 31st Birthday, Dadi!


Dear Dadi,

Ayoko ng artehan ang message ko sa FB kaya dito na lang. Haha.

31 ka na... next year wala ka na kalendaryo.

Hindi ko masasabing perfect husband ka or perfect dad, dahil imposible naman yun, pero nagpapasalamat pa rin talaga ako kay Lord na binigay ka niya sakin. Dahil sayo, lumapit ako sa Diyos at humigpit ang kapit ko sa Kanya. Ikaw ang naging daan para matutunan ko ang mga pinaka-importanteng lessons sa buhay ko. 

You are still a work in progress. Pero masaya na ako sa baby steps of improvement. Alam ko hindi madali ang mga kinakaharap naten, for sure may mga challenges pa rin tayong kelangan lagpasan. Mag-aaway pa rin tayo at magkakasamaan ng loob, ang mahalaga lang si Lord ang center ng marriage at family naten para maka-survive tayo at ma-enjoy pa rin naten ang buhay mag-asawa.

Let's enjoy this day. Wala mang bonggang handa at maraming bisita, gaya ng sinabi mo kanina, basta kasama mo kame ni Chloe, masaya ka na. Papasayahin ka namen today.

My prayer for you is to have everything that you want (according to God's plan). My prayer for us is to love each other more everyday and to happily enjoy a long life together.



No comments:

Post a Comment