Wednesday, September 2, 2015

Weekend Wrap Up: Week 35

Friday night (around 7pm), Duz and I met our Dgroup leader (Tin & Saro) and had Donut Date.

It's been a while since we had "accountability" and I'm really glad to see them again.
And guess what... they gave us clothes. Karamihan hindi pa nagagamit - mga padala galing ibang bansa.
Tuwang-tuwa ako! Hindi naman kasi ako bumili ng mga branded. 90 % of my closet is from ukay. Nagkakaroon lang ako ng mga "may tatak" kapag binibigay. Nakakatuwa naman dahil alam ng karamihan na hilig ko talaga ang mga damit, kaya pag bibigyan nila ako - sigurado damit yan. Thank you Lord sa mga blessings.
After that, I rushed to Technohub to meet Ann and Boss Caryl. Dumating ako pasado 10 pm na. Caryl is our former Team Leader. Years years na yung huli kameng nag-kita. Sa sobrang excitement, hindi kame nakapagpa-picture, kaye eto -- gumawa na lang ako ng collage gamit yung mga old photos namen.
11pm ang shift ko kaya dumirecho na kame ni Ann sa office. Bumubuhos ng emotions sa production floor namen. Why? Meron kasing unexpected blessing. Yung iba eligible (sila yung tumatalon sa saya). Yung iba hindi nakaramdam ng "dagdag biyaya". Thank you Lord for additional blessings.
Saturday morning - after my shift, I went straight to Chloe's school. They celebrated Linggo ng Wika. Friday afternoon lang nasabi sakin ng teacher na kelangan mag-costume. Hindi kame prepared. Wala akong nahiram. Sabi ko kay Duz, mag-improvise na lang.
Lahat ng classmates niya na babae ay naka-Filipiniana.
Spot the difference. Wala akong maayos na kuha sa kanya, kasi namatay na yung cellphone ko.
After the presentation, pinapunta na yung mga students and parents sa loob ng classroom. Dun ko lang nalaman na pinagdadala pala sila ng mga kakanin or Filipino food para pag-salu-saluhan. Hindi na kame nahiya, nakikain na rin kame kahit wala kameng dala. Haha.
Instagram media by abzky_yatetot - Ung kaninang lecture pa ako nag hahanap ng pansit?? Naiinis na nga ung isang co intern ko kanina ehh dahil sa bukambibig ko ang pansit.. see??? Buti nalang birthday pala ni kuya dex! Hahaha.  #pansit problem.
Pag-uwing pag-uwi, natulog na ako agad. Madaling araw na ng Sunday ako nagising. Dahil hindi ako nag-tanghalian at hapunan, gutom na gutom ako. Buti na lang naalala ko na gumawa nga pala si Alejandrino ng coffee jelly. Yan ang naging pantawid gutom ko.
9am - we were at CCF Commonwealth.
It was CCF's 31st Anniversary kaya naka-livestream kame sa CCF Main.
Here's our OOTD.
Eto naman ang behind the scene....
Kaloka! Gusto niya siya ang masunod kung saan kame tatayo.. kung paano ang pose namen... kung formal ba or wacky. Juice colored!
Ganyan kame madalas kaya pag nagpapa-picture kame, hindi pwedeng 1 beses lang, kelangan marami para may pagpipilian. Sa 10 pictures, may 1 o 2 lang siguro na matino. 
Ini-enjoy ko pa ang mga panahon na tuwang-tuwa siya pag terno ang suot namen dahil alam ko darating ang araw na ayaw na niya na pareho kame ng suot, na sa mga susunod na taon may ka-couple shirt na yan (pero matagal pa yun).
We had a quick lunch at Burger King in SM Fairview.
Instagram media by iloveduz - Aug/30/2015 - Sunday lunch
Tapos, nagmamadali na akong nag-ayang umuwi. Andameng tao. Nasu-suffocate ako.

That's it, pansit!

Late ko na 'to na-publish dahil sobrang busy ako. 

Osha! Magsusundo pa ako ng junakis ko :)

Enjoy the rest of the week.

Stay blessed!

No comments:

Post a Comment