Saturday, September 5, 2015

Friday Favorites: Week 36

Friday Favorites on a Saturday.... (as always).

Here's my random list.


Kelangan talaga umpisahan sa selfie??? Haha.

Anyway, Monday was our "market day".

Here's our list:
8 kilos - bigas
1/2k - malagkit
1 tray - eggs
1k - pork
2ks - chicken
1/2 k - isda
1/2 k - pang okoy
1/2 k - sugar
1L - mantika
1/2 k - harina
1/2 k - saging
1/2 k - santol
Mixed vegetables
Ricoa
Vitamins

Sinusubukan namen na i-limit ang pag-punta sa palengke. Bi-weekly sana ang ideal. Minsan naman, weekly. May market list akong dala pag-punta namen sa palengke para organized at hindi mapagastos. Mas tipid kasi kapag naka-plano na ang mga bibilhin. Mukha nga akong secretary ni Alejandrino pag namamalengke kame. Ako may hawak ng papel at ballpen habang nililista ko yung mga presyo ng binibili naman. Siya naman ang nag-che-check sa mga binibili kung sariwa ba. Siya rin ang tumatawad. Suki na kasi siya ng ibang tindero sa palengke. Tapos, aabutan ko siya ng pera pambili. Mabuti na lang kasama ko siya mamalengke dahil ang hirap maglakad-lakad habang may buhat buhat kang mabibigat na plastic. Yung bigas pa lang, 8 kilos na yun. Di ko talaga kayang buhatin.

Pag-uwi ng bahay, nilinis muna namen ang ref bago ilagay ang mga napamili.


Okay na practice yun para regularly nade-defrost at nalilinis ang ref namen. Nag-general cleaning rin ako habang nasa kusina si Alejandrino.

He cooked  Okoy (Crispy Shrimp Fritters). Few weeks ago, may favorite kameng carinderia na kinakainan malapit sa bahay namen. Bumili kame ng okoy sakanila dahil yung mga tao nakapila. Blockbuster ang okoy nila eh masarap naman kasi. Yun nga lang hindi sila araw-araw nagluluto ng okoy kaya sabi ko kay Duz, magluto na lang siya sa bahay.


Okoy is prepared with whole small shrimps with head and shell on, mixed in flour, cornstarch and egg batter and deep fried until crispy.  

Madali lang lutuin, mura pa.

Instagram media by iloveduz - Cooking Shrimp Patties

Side kwento. Di ba holiday nung Monday. Andameng tanong ni Chloe.

Chloe: Momi, bakit po walang pasok ngayon?
Momi: Kasi po holiday.
Chloe: Ano yung holiday?
Momi: Yung walang pasok.
Chloe: Bakit nga po walang pasok.
Momi: Kasi po National Heroes Day.
Chloe: Ano po yun?
Momi: We celebrate yung mga bayani naten.
Chloe: Ano yung celebrate? Ano yung bayani?
Momi: Isa pang tanong mo, papa-pasukin kita sa school!

Kalurks. Walang katapusan ang tanong... Natutuwa naman ako at most of the time, pinipilit ko sagutin lahat ng tanong niya. Minsan nagpapa-rescue ako kay Alejandrino kapag suko na ko :)

Anyway, eto nga pala ulit yung UFC Color Craze Banana Catsup. Dumaan ako ng supermarket, pinicture-an ko.


Naaliw kasi ako.


Tuesday morning, namalengke ulit kame pero this time para sa order sa office.


Magti-treat kasi yung TL namen ng lunch and instead of eating out, nag-paluto na lang siya kay Alejandrino.

Duz bought some kitchen utensils. Nung una, tumingin-tingin kame sa SM Hypermarket kaya lang namahalan kame.


Buti na lang, meron sa Robinsons Novaliches na murang bilihan ng mga kitchen stuffs. Halos 50% off compared sa iba.


Promise ko kay Alejandrino, uunti-untiin namen yung mga gamit sa kusina para mas mapadali ang pagluluto niya. Yan ang prize niya dahil maasipag at masarap siya mag-luto.

Duz cooked chopsuey, igado and sisig. Yan ang request ng TL namen.




Panalo pa rin talaga ang sisig ni Alejandrino. Simut sarap. Bentang-benta sa mga teammates ko. FAVORITE na rin daw nila yan.



Dahil last team lunch na namen with our TL, nagpicture-picture na kame.





She had been our TL for 2 years. She was now promoted to a Functional Lead position. 

Here are some pictures taken with my FAVORITE friend - Ann.



Duz cooked our FAVORITE comfort food on Wednesday. Kala ni Chloe birthday niya. Haha!


He also prepared Ref Cake, topped with marshmallows, chocolates and nuts. Yun lang, hindi tumagal. Ubos agad.


Thursday, I met with my FAVORITE girls: Audrey and Yentl. We had fellowship while enjoying ube cake during our lunch break.

Instagram media by diestaaprilyn - Bat kase ang sarap mo?  #foodie #foodangs #foodporn #ubecake

Friday, we had another team lunch with TL Jenn and our new TL.


We surprised her with small gifts.




And a cake!



We also gave our new TL a book about leadership.



Before our shift ended, Ann and I went to Technohub. Inabangan namen ang bukang liwayway. 


It was so refreshing to see a new day. It's the start of our long weekend. 

I have an extra day off on Monday since it's Labor Day in USA.

Enjoy your weekend, loves.

Stay blessed!

5 comments:

  1. mare ang sarap ng okoy!!! papa luto nga din ako sa mama ko heheheh

    ReplyDelete
    Replies
    1. This comment has been removed by the author.

      Delete
  2. Hi Em! We do work for the same company. :D I see our pantry!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes, Helen. Same company tayo, graveyard shift lang ako. I see our pantry rin sa mga posts mo kaya nakakatuwa :)

      Delete