Monday, August 24, 2015

Weekend Wrap Up: Report Card & Dadi's Sudden Comeback

Happy rainy Monday loves!!!



Last Saturday, I got Pretty's report card for the first quarter of this school year.


Marking:
AO - Always Observed
SO - Sometimes Observed
RO - Rarely Observed
NO - Not Observed


Kinabahan kame kasi bago yung adviser nila at bali-balita na mababa daw magbigay ng grades. In fairness naman, ayos naman yung binigay niyang mga grades kay Pretty. Napag-iinitan kasi yung bata lately dahil may issue yung teacher kay Momcy. I was so worried kasi naapektuhan pati yung treatment sa student. Last week, kinausap ko yung teacher. By God's grace, maayos naman siya nakipag-usap sakin.

Saturday morning, she smiled at me as I entered the room. Tapos chinika-chika niya pa ako. Natuwa naman ako kasi mas maayos na siya kausap ngayon kesa nung una. Nung kinuwento ko yun kay Momcy, hindi siya makapaniwala. Terror teacher kasi yun at pati mga magulang binabara-bara niya. Medyo unprofessional nga siya kasi lagi siyang sumisigaw at galit, hindi lang sa mga estudyante, pati sa mga magulang. 

As SSC (Special Science Class) student, kelangan mataas ang grades mo sa 1st quarter. Mahirap na kasi habulin kapag nag-umpisa na mababa ang grades. Pretty has been a consistent SSC student since Grade 1. Grabe sa kanila. Pukpukan talaga ang pag-aaral. Pag hindi ka nakakasabay, ibababa ka sa Section 1. Competition to the highest level. Pati mga parents, may competition din. Haha. Natutuwa naman ako kay Pretty kasi among 35 SSC students, lagi naman siyang pasok sa top 10. Imagine, sa SSC yan ang mga pinagsama-samang first honor students sa iba-ibang schools sa buong Marikina. Napaka-hirap makapasok sa SSC, mas mahirap i-maintain na SSC student ka. Kaya ultimo 1 point, pinaglalaban ng magulang. Ganun ang sistema sa kanila.

Ramdam ko ang stress at pressure kaya sabi ko kay Momcy, mula ngayon ako na lang ang a-appear sa school. Siya rin naman ang nag-sabi nun. Mukhang hindi daw siya type nung teacher, mukhang ako daw ang gusto. Kaya kung may mga activities, I promised them na I will involve myself more. Pahinga na muna si Momcy sa pagiging stage mom (lola).

Saturday night, Duz went home. He stayed in Laguna for a week.


Chloe and I went back to our apartment in Fairview. Miss na miss daw kame ni Alejandrino. Andame niyang kwento sa amin tungkol sa mga na-experience niya dun sa "rehab". (I'll tell you more about it soon.)

Sunday, we went to CCF Main. 


Wala sa mood ang little girl... Ayaw magpa-picture.



We met Duz' counselor and they talked more about his recovery. While waiting for the 3pm service, I ordered my favorite nachos.

Instagram media by iamcherrylatoza - don't worry about getting hungry..#ccfmain has lots of foods at the cafeteria..this yummy #tacos is just one of them 😊 yum yum! #food #instafood
via

Dahil nabitin ako, I'm planning to make my homemade nachos soon. 



Chloe still can't eat because of the HFMD. Puro lugaw lang at milk. Pumayat nga agad kasi hindi makakain ng maayos.

The message is all about --- Do not steal: Be Generous http://goo.gl/VWsLDP




Instagram media by abigaellys - Developing a Godly Perspective.  Yesterday's preaching at CCF.  #CCFMain
via

The primary purpose for the tithe is to put God first in our lives.


After the service, we saw this corner at the CCF's lobby.


Gusto din daw ni Chloe magsulat, pero name niya ang sinulat niya. Sige, pabayaan mo na nga...


Share Jesus. Share the one. Start with one. The CCF 31st Anniversary on August 30. See you all there!!!

Osha, sige na. Kakausapin ko pa ang teacher ni Chloe kasi 1 week siyang absent at hanggang ngayon ay hindi pa siya pwede pumasok dahil baka maka-hawa siya sa ibang bata.

Have a great week ahead!







5 comments:

  1. I remember having a terror teacher during my school days. Grabe takot ko sa kanila eh. I can't wait till Jami would go to school din hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ako din na-experience ko ang mga terror teachers. Kahit saang school ata palaging may ganun. Malapit na, mag-school na rin si Jami :)

      Delete
  2. Galing naman ni Pretty mo! :)

    P.S. Aabangan ko recipe mo ng nachos, sis. Mahilig ako dyan. Hehe. Yung isang masarap na nachos na nakain ko ay yung Freeway Nachos ng 8 Street Bites. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. This comment has been removed by the author.

      Delete
    2. Thanks, Edel. Hindi pa matuluy-tuloy ang nachos naman. Pero dati, madas soft taco ang ginagawa ni Momcy. Tatanong ko sa kanya recipe but instead of taco, nachos gagamitin ko. Mahilig talaga ako sa Mexican food but I haven't tried 8 Street Bites. Thanks for sharing.

      Delete