Wednesday, July 22, 2015

Salesman in SM Hypermarket: Scam?


Last month, we bought refrigerator and washing machine. I want to share our experience. 


At first, nagtitingin-tingin kame kung ano bang ref ang kukunin namen. The salesman offered us White-Westinghouse. Sounds familiar because when I was young, we had our ref was White-Westinghouse at tumagal same yun. Matibay talaga. Sila ang kilala pagdating sa mga refriegerators at that time. 

White-Westinghouse is an American home appliance brand. It was created in 1975. Electrolux made White-Westinghouse branded appliances as recently as 2006. 

Going back to the salesman, binibida niya nga yung White-Westinghouse pero walang display ng unit, nasa loob daw ng storage room nila. He was using another brand as sample (yung naka-display sa labas), he was just telling the difference. So I asked him kung pwede nilang ilabas yung White-Westinghouse para makita namen. Nilabas naman nila. I let Duz study the details and all. Siya kasi mas nakakaalam sa mga ganyan. I asked for the price. The salesman told us it's P13,999. Finally, we decided that we want to purchase it. While filling out some forms, the salesman made a deal with us. 

Salesman: Mam/Sir. Kung may kakilala kayo ng empleyado dito sa SM, matutulungan kayo. Mabibigyan kayo ng discount. 
Me: Ah talaga. Wala eh. Wala kameng kakilala dito. 
Salesman: Gusto niyo Mam, tulungan na lang tayo. Tutal bibilin niyo naman yung ref, counted yan sa sales ko, bigyan ko kayo ng discount. Instead of P13,999, makukuha niyo na lang yan ng P11,999. Two thousand matitipid niyo. Wag lang po kayo maingay kasi bawal po talaga 'to. 
Me: Ows? Anong kapalit? 
Salesman: Yung incentive ko kasi 3 months pa po bago makuha. 

So he was trying to say, bigyan ko na lang siya kapalit nung 2k na discount na binigay niya. Wala akong dalang cash that time. We were using credit card. 

Me: Sir, sorry pero wala kameng cash. Credit card gagamitin namen. I think that applies sa mga cash magbabayad.

I was expecting na hindi namen makukuha yung 2k na discount kasi nga hindi namen siya mabibigyan ng cash worth of 2k rin. 

After few minutes, they told us na sige daw, i-aapply pa rin daw niya yung 2k na discount. 

Nagpaalam pa nga siya samen, tatawag muna daw siya sa office para i-pa-approve yung discount. 

Duz and I talked while he was away. 

Duz: Kelangan bigyan naten yan. 
Em: Magkano? 2k??! 
Duz: Di ko alam. 
Em: Bakit niya ibibigay yung 2k na discount kung wala naman siyang mapapala sa atin. Hindi ba too good to be true? 

We still thanked the salesman for giving us discount. 

Duz: Pre, wala talaga kameng dalang cash. Kung gusto mo, bigay mo na lang yung cellphone number mo, pasyalan ka na lang namen tsaka kita aabutan. 

Binigay naman niya samen yung number niya. Yung isang salesman ang naghatid sa amen palabas. Tinulungan niya kame makakuha ng service. Inabutan siya ni Duz ng P50 pang merienda. 

Hanggang makarating kame sa bahay, iniisip-isip namen kung bakit kame nabigyan ng discount. 

Naalala ko, nilabas nila yung unit from their storage room, so walang nakadikit na price. Di ba yung mga naka-display na mga units may price tag lahat. Eto, wala. Tinanong lang namen kung magkano and in good faith, we believed whatever price he told us.

 

My conclusion, price is really just P11,999. Sinabi lang nila nung una na it's P13,999 then they offered us P2,000 discount. Syempre nga naman, matutuwa kame and in return we should pay them or give them any amount. Nung tinatanong kasi namen siya magkano ba dapat ibigay sakaniya, he didn't give us a specific amount. Kahit magkano lang daw. 

Dahil hindi ako mapakali, I checked the price online. It's only P11,499 sa ibang stores. 

After few days, I went to Robinsons Appliances. I saw the same unit that we bought. I asked the salesman how much it is. 

Salesman: P11,999 pero po may free P1000 GC. 

Oh my G! We've learned our lesson. Pero buti na lang talaga hindi kame nagbigay ng cash sa kanila. 

via

Pwede bang i-report yun sa SM Management?



4 comments:

  1. Grabe naman yun! hayy... you better check din kung talagang 11k lang yun sa store nila kasi baka naman mas mataas lang talaga ang bigay nila. Pero buti na lang, hindi nyo binigyan kasi I never heard of anything na may kakilala ka sa kanila tapos may discount.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga Jen, buti hindi kame nag-bigay ng malaking amount.

      Delete
  2. I think you should report this sa SM.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I'll think about it sis... naiisip ko nga, paano kung may mabiktima pa silang iba. Naawa naman ako sa idea na baka matanggal sila sa trabaho. Confused tuloy ako.

      Delete