Saturday, February 28, 2015

On Mercy Killing/Euthanasia and JAMICH

I'm not a fan but I've watched few of their first videos on YouTube and I'm following Mich on Instagram.
 


via

I've watched the interview of Jam's mom and brother few weeks ago.
 
If I'm not mistaken, his mom mentioned that Jam told them to consider mercy killing kasi nahihirapan na siya. But his mom was very fierce saying no. Lahat daw ibibigay niya except yang bagay na yan. Lalaban daw sila. At first, humanga ako sa walang humpay na paglaban ng isang ina para sa buhay ng kanyang anak. Sigurado ako lahat ng ina, ganun din ang gagawin.
 
Then, the other day - Jam's critical condition flooded my newfeed.
 
Masyado ko atang dinibdib kaya pag-uwi ko kanina, I had this conversation with Dadi.
 
Momi Em: Dad, pag ako nagkaroon ng malubhang sakit, promise ko sainyo lalaban ako dahil ayokong ma-biyudo ka agad at mawalan ng mommy Si Pretty at Chloe. Pero pag nahihirapan na talaga ako at nag-sabi na ako sayo na gusto ko ng mag-pahinga, sana wag kang maging selfish. Sana i-let go mo ko.

Dadi Duz: Tumigil ka nga. Hindi ka magkakasakit. Ano ba yang mga sinasabi mo!

Momi Em: Sino ba naman gustong magkaroon ng malubhang sakit, syempre ayoko nun. Pero sinasabi ko 'to sayo habang malakas pa ako. You'd never know. In case mangyari yon (wag naman po sana Lord, kasi mahina ang tolerance ko sa pain), maalala mo sana 'tong sinasabi ko sayo. 

Dadi Duz: Matulog ka na nga. Kung anu-ano iniisip mo.

 
Honestly, takot ako magkasakit ng malubha. I guess, lahat naman tayo diba? Pero, I had this secret prayer na kung kukunin na ako ni Lord, sana sa paraang hindi ako mahihirapan at masasaktan - like yung natutulog lang. Parang ganun. Ayoko kasi ng pain, ayoko ng torture. Ayoko rin pumangit. Gusto ko maganda pa rin ako (naks) pag tinignan ako sa coffin. Oh my, morbid ko ata. Bakit ko ba 'to sinusulat. Haha.
 
Oh basta, at least na-share ko na 'to sa world wide web. Public. Hindi lang kay Alejandrino. 
 
Then, just now... napa-isip ako. What does the Bible say about mercy killing or euthanasia?
 
As Christians, we should know how to handle this in case we are in that situation.
 
Ang dameng article about it. Debates - right and left.
 
But this article caught my attention the most.
 
Clearly, mercy killing is a sin.
 
Pero pag incurable daw yung sakit (confirmed na incurable talaga), and the only reason bakit buhay pa ang isang tao ay dahil sa 'expensive" life sustaining-machine, at mababaon sa utang ang pamilya, ang buhay ng mga anak ay nagsusffer na rin, and the person himself communicates to conside euthanasia, and of course you prayed hard for it - maybe, just maybe - we can do it.
 
I don't know. I'm not saying this is correct.
 
Siguro, we should pray and ask God na lang to end the person's suffering in His own way.
 

How about you? Any thoughts on this?


No comments:

Post a Comment