Friday, February 20, 2015

Boyce Avenue in Manila 2015 (Videos)

Here are some videos I found on YouTube.
 
Short kwento muna.
 
Muntik na kameng hindi matuloy kasi nagkainisan pa kame ni Alejandrino nung hapon. Friday night, naghakot sila ng gamit namen, di ba? May mga naiwan pang gamit sa dating apartment. Nung saturday ng hapon, binalikan pa niya. We were running late kasi ihahatid pa namen si Chloe sa pinsan ko somewhere in San Jose Del Monte Bulacan. Traffic nun mga bakla. Ang hirap pang sumakay.
 
Sa ticket, 8pm ang start. Dumating kame 8:30 pm. Buti na lang, 9pm pa nag-start.
 
By the way, dead batt ang cellphone ko that night. Wala kame kahit isang picture. Blessing in disguise na rin. I was able to give my full attention and enjoy the moment. Useless din naman ang cellphone ko sa madilim. Kaya nga, nag-check na lang ako ng mga vdeos sa YouTube.
 
Among the songs Boyce Avenue played that night, here are my top 3 faves. Sulit na sulit na ko dito.

 

First, eto yung favorite ko na original song ng BA. I mentioned it here. He did exactly the same sa concert nila sa Los Angeles in 2011. OMG talaga. Goosebumps all over.

 
Eto matinde. If you've been reading my blog for quite some time now, alam niyo na favorite ko ang "Fix You" ng Coldplay. You can read it here. Marami na akong pinagdaanan sa buhay na yan ang theme song ko. Kaya naman nung yan na ang kinanta ng BA, hindi ko na talaga napigilan na maiyak.
 

 
Another favorite song of mine - Fast Car. Duz knows this very well kasi lagi kong nababanggit sa kanya na match na match yung lyrics sa amin. Kaya nung kinanta na nila 'to, niyakap ako ng mahigpit ni Alejandrino. (sweet)
 


 
Additional. Story Of My Life. Yan ang current LSS ni Duz.
 
 
Other footage.
 
 
First time namen manood ng concert ni Duz. We both like Boce Avenue. Kaya nga masasabi ko, it was our best Vday so far.
 

via


Thank you sa pinsan ko na nag-babysit kay Chloe para makapag-date kame.
 
Nung sinundo namen ang bata kinabukasan, eto ang kwento.
 
Ate Arbie: Ang landi-landi ng Momi mo. Mag-asawa na nga, date date pa! (joking)
Chloe: Kelangan po yun.
 
Haha. Matagal-tagal ko 'tong pinaghandaan. Ilang beses ko na kinausap si Chloe na sa Valentine's Day, aalis si Momi and Dadi. I explained to her how important it is na makapag-date kame na kameng dalawa lang ng Dadi niya. Buti naman naintindihan ng bagets. Nung araw na yun, alam niya na iiwan muna siya sa Tita niya. Walang reklamo. Hindi umiyak o anuman. Thank you 'nak!
 



1 comment:

  1. Boyce Avenue!!!! Hay, super like din namin yan, nakakatuwa nakapanuod kayo ng live concert nila. Sa online lang kami nakikinig ng mga songs nila and some sa mga songs nakalagay din sa phone.

    True yan, dapat kahit mag-asawa may mga "date" din. Ang bait naman ng anak nyo at pumayag na hindi sya kasama sa date. Good girl a! =)

    ReplyDelete