Sunday, January 11, 2015

Weekend: #1 of 2015 - Confinement

The morning of Jan/02/2015, we were at my cousin's place.



When we went home, I decided to bring Chloe to the hospital. She was having an on and off fever for 5 days and cough for more than a week already.

We stayed at the ER for more than  2 hours.






When the doctor asked me kung ipapa-confine ko ba, I said yes right away.

Walang available na semi-private room so sa ward muna kame.

Nagne-nebulize siya 4 times a day.


1st night
2nd day


2nd night


3rd day

Sunday night, we transferred to a semi-private room. It has more privacy. Mas convenient na rin samen. Thank you Lord.


3rd night

4th day, nilabas namen siya sa room. Bagot na bagot na eh.


4th Day


Effective yung pina-inom sa kanyang appetite booster - Mosegor Vita. Wala na siyang hinto sa pagkain.  Andameng request.


4th Day

 
4th Day


Andame na ring energy mag-selfie! =)





Bored na bored ang mag-ama ko. Halos tumumbling na si Chloe. Si Duz naman, gumawa na ng eroplanog papel gamit yung mga newspaper na dinadala sa room. Nagtatakutan na sila, minsan nag-U-UFC pa.


5th Day


Isa lang ang bumisita samen while we were in the hospital. Audrey visited us and prayed for Chloe's healing. The whole week, kame lang talaga ni Duz ang nagbantay at nag-alaga sa kanya. Pumapasok pa ako sa gabi. Pagdating ko sa hospital ng umaga, uuwi naman ng bahay si Duz para magluto at kumuha ng damit. Pagbalik niya sa hospital, tsaka pa lang talaga ako makakapagpahinga. Ganun ang routine namen. But I still thank God for giving us strength para makayanan lahat.

Hindi rin biro ang hirap namen. Nagkaroon pa ng problema sa name ni Chloe sa mga papers na pinirmahan ko during admission. Chloe Alejandrino lang nilagay ko dahil medyo tarantula pa ako nung mga oras na yun.

After ilang days, pinatawag ako sa Billing. Baka hindi daw i-cover ng card ko yung hospital bill dahil Blessed France Chloe Alejandrino ang name niya sa card ko.

Sa hospital, para i-rectify yung name, pinakuha pa ako ng Affidavit of Discrepancy. P350 din yun ha!

Then, sa Philhealth naman ang may problema. Yung MDR na nakuha ko sa HR, si Pretty lang ang nakasulat na dependent ko. Kelangan ko pa daw pumunta sa mismong Philhealth.

Tumawag muna ako sa hotline Philhealth to confirm kung anong dapat kong gawin. Chineck nila sa records, nakalista naman daw si Chloe na dependent ko. Punta na lang daw ako sa pinakamalapit na branch nila. Dala lang daw ako ng 2 valid IDs. Hindi na daw kelangan ng birth certificate ni Chloe. Good, kasi honestly hindi ko mahanap kung saan ko tinabi lahat ng importanteng documents namen.

***Nung nag-switch ang records ng Philhealth from manual to online, nagkagulu-gulo ang records nila. Walastik!***

So after shift, pumunta ako sa Robinsons Novaliches. May Philhealth Express kasi dun. Napaka-haba naman ng pila. May note pa na nag-o-offline daw yung system nila kaya mag-expect daw na mabagal ang service nila.

I was suffering from irritated eyes that day so I decided to go back sa hospital. Kay Duz ko na lang ipapakuha. Pero ang mga requirements, letter of authorization, valid ID ko at valid ID ni Duz. E wala siyang valid ID, kahit isa. Sabi ko sa isip ko, bahala na si Lord - matutulog muna ako.

Tinry ni Duz pumila sa Philhealth nung hapon pero naabutan na siya ng cut off. Pinakiusapan niya na lang ung mga tao sa Billing department na lalabas na kame that night at tanggapin na lang muna nila yung MDR from HR. Pumayag naman. To follow na lang daw yung updated MDR from Philhealth.

Alam niyo bang nasa P44,000 ++ ang bill namen for one week. Thank you talaga kay Lord, may HMO ako at P700 lang ang binayaran ko - yung vitamins ni Chloe (hindi kasi yun covered ng card).

So last Friday, around 9 pm - we were discharged.




CHMC, thank you for being our home for the past week.


 
Friends and family thank you for all the prayers and well wishes.



2 comments:

  1. Good thing Ok na si Chloe, yung baby ko naman may ubo at sipon pero wala naman syang lagnat. Grabe yung bill no?! Buti na lang talaga may philhealt. Ganyan din ako nung na confine si james due to pneumonia.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes Mommy Jen, malaking tulong ang Philhealth lalo na kung may health card. May pneumonia din si baby James? Hope hindi na magpa-balik-balik.

      Delete