Wednesday, January 14, 2015

Motorcycle Accident



Duz had a motor accident last Thursday.


Source


His best friend, Mark -  visited our house.

Duz was borrowing something so they went to Mark's house to get it.

On the way back to our house, Duz decided to drive the motor.

If you live near Novaliches and know the place called Holy Cross you would have an idea.

Before exiting Holy Cross, a little girl crossed the street.

Ang kwento sa akin ni Duz, bigla daw sumulpot yung bata. Sa gulat niya, kinabig yung manibela at napunta sila sa left side ng kalsada.

Tumalsik sila ni Mark at tumama siya sa gutter.

Sumabit yung bata sa motor at nakaladkad.

I asked Duz kung gaano na kalaki yung, malaki lang daw ng konti kay Chloe. (my gawd!)

Madugo daw yung bata kasi pumutok yung noo. Yung mga tao sa paligid, humihiyaw daw kasi akala patay yung bata.

May mga taong dumadaan na tumulong kay Duz para makatayo.

Pumunta sila sa bahay nung bata. Wala daw dun yung tatay. Pinatawag pa dun sa factory na pinagta-trabahuan sa loob lang din ng Holy Cross.

Nung nakausap niya yung tatay at nalaman nila na walang dalang lisensya si Duz, hiningian siya ng pera.

May dala siyang P500. Yun yung binigay ko na pamalengke niya sana.

Binigay niya yun dun sa pamilya para ipa-X-ray yung bata.

Pinaiwan siya at yung motor dun sa bahay nung biktima. Si Mark naman ang sumama sa bata at dun sa bantay nung bata papuntang Bernardino hospital.

Awa ng Diyos, ok naman yung bata. Another good thing, hindi nila ni-report sa hospital na motor accident yun. Naawa daw kasi yung bantay kay Duz.

May mga dumating pang ibang kamag-anak at hinihingian pa ng additional money ang asawa ko. Eh wala talaga siyang dalang ibang pera at ayaw niya akong pa-problemahin kaya nakiusap lang siya dun sa mga kamag-anak. Ayaw kasi siya paalisin hanggat hindi daw siya nagbibigay ng pera.

Pinaiwan an lang daw yung lisensya ni Mark tapos pina-uwi na sila.

Nag-alala ako ng sobra nung araw na yun. nasa hospital pa kasi kame nun. Pagdating ko from work, around 8am, tsaka umalis si Duz at umuwi ng bahay para magluto at kumuha ng ibang gamit. 4pm na, hindi pa siya nakakabalik ng hospital. Eh walang dalang cp yun.

Nung pagkita ko sa kanya pagbalik sa hospital, andame niyang sugat. Meron sa mukha, sa kamay, sa dalawang braso, sa tuhod at sa paa.

Despite the accident, thankful pa rin ako. Why? Something worse can happen in that situation.

Paano kung napuruhan yung bata? Kung naging critical yung condition or worst kung namatay? Eh di kulang si Duz.

Paano kung nag-report yung pamilya sa police? Eh di sa kulungan din bagsak niya.

Paano kung kame ni Chloe yung angkas niya? Eh di pare-pareho kameng sugatan.

Lesson learned. Feeling ko natauhan din tong asawa ko. Matagal na niya kasi akong kinukulit kumuha ng motor. Eh ang laki ng takot ko sa mga ganyang bagay dahil araw-araw, may nababalitang motor accident. Tapos minsan inaangkas niya pa kame ni Chloe. At madalas, nagda-drive siya kahit wala siyang lisensya.

Be safe, guys!




2 comments:

  1. Gaaaddd!! kakatakot naman yun! Mejo worried din ako na mag motor yung partner ko. Buti na lang hindi din nya masyadong kino consider! Good thing every one is okay! Thank God!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo.. wag na lang mag-motor. Mas prone sa accident. Thank God walang worse na nangyari.

      Delete