Tuesday, October 14, 2014

Weekend Story: MMK

Last Saturday, I slept in the morning and woke up at around 7pm.

Pagka-gising ko, nakabukas yung TV at MMK yung palabas. Sakto naman at si JM De Guzman pala ang bida.

Di niyo naitatanong, noon pa crush ko na yan, nung ka-love team pa niya si Charee Pineda.

Nagpahinga siya sa showbiz dahil nag-pa-rehab siya. And now he's back!

MMK's episode last Saturday was a love story. First time nilang mag-tambal ni Nadine Samonte. 

By the way, it's her first ABS-CBN project. For me, ok naman siya. May kilig factor pa rin. 

Natutuwa ako sa role na ginanapan ni JM.

Para siyang si Duz.. ung mga pakindat kindat at mga banat niya, kuhang-kuha.

Tapos yung role pa nung bida eh mahilig magluto, feeling ko talaga para siyang asawa ko.

 
Tumawag nga si Duz sakin habang nanunuod ako, sabi ko sana napapanood niya rin yung MMK that time.

Ipapanood ko na lang sakanya sa YouTube.

The song " Anong Nangyari Sa Ating Dalawa" was played several times during the show.

Ni-research ko kaagad. Si Aiza Seguerra pala ang kumanta.

Ilang beses ako muntik mapa-iyak dahil parang nakaka-relate ako sa lyrics.

Ganun naman tayong mga girls diba? Dinidib bawat linya ng kanta.

So here's the part of the song that really touched my heart.

Anong nangyari sa ating dalawa
Akala ko noon tayo ay iisa
Ako ba ang siyang nagkulang
O ikaw ang di lumaban
Sa pagsubok sa ating pagmamahalan


Feeling ko si Duz ang kumakanta niyan....

Mga ilang beses na niyang naitanong sa akin yang linya na yan.

Feeling ko kasi, marami siyang pagkukulang.

Pakiramdam naman niya hindi ako lumalaban sa mga pagsubok sa pagmamahalan namin. 

Anyway, if you want to listen to it, see the video below.  Sa alma mater ko pa pala shinoot yang video na yan. :)

At yan rin pala ang nanalo sa Himig Handog last year!



Here's the teaser. You can also watch the full episode here.




 

No comments:

Post a Comment