Thursday, June 19, 2014

Chloe's First Day in Nursery

She's been waiting for this day! We were all excited. 




Dahil off ko every Saturday and Sunday, fresh na fresh ako ng Monday. Pero sa sobrang excitement, hindi kame nakapag-breakfast. Haha! 

I love how Chloe looks wearing her blue uniform. Si Dadi Duz nagrereklamo bakit daw maluwag yung uniform niya. Sabi ko, ganyan talaga lahat. Gusto niya ipa-alter namen at lagyan ng bewang para sexy daw tignan si Chloe. Jusmeyo! 

9:30 start ng class niya. We left the house at around 9am. We bought her baon at Mercury Drugstore (in front our house). 




She has been all smiles the whole time. Hinatid lang kame ni Dadi Duz pero nag-stay ako para panoorin si Chloe. 

Sabi ng teacher niya, kahit saan daw pwedeng umupo. Dahil maaga kameng dumating, pinaupo ko siya sa harap ng teacher. 


There are more or less 20 students. 5 lang silang girls, the rest are boys. Siyempre, Chloe's the prettiest! :) Marami rin namang cute na baby boys. 

Lahat ng parents nasa loob ng classroom. Nagpipicture at nagvi-video. Akala mo may nagpe-perform sa harapan. Yung ibang bata hinatid ng buong pamilya: Mommy, Daddy, Ate, Kuya, Tito at Tita. Kaloka! 





The teacher started  the class with a prayer.  Then, pinamigay yung name tags nila. FRANCE CHLOE ang nakasulat sa kanya. 




Nagsisimula pa lang, nilabas na ni Chloe yung baon niya. Sinsenyasan ko siya na wag munag kumain. Lumapit sakin at pinapabuksan yung Yakult niya. Thirsty na daw siya. Naawa naman ako so binuksan ko. When she returned to her seat, nakita ng teacher. 

Teacher: Next time dapat sabay-sabay kakain ha. 

Ooops! Sorry po :) 

Knowing Chloe, she has a short attention span. Every two minutes ata, tumatayo or kinakalkal yung laman ng bag niya. Nung pinatayo naman sila, tsaka naman siya umupo. Nakataas pa ang paa. Feel at home na feel at home. 

The teacher sang 5 different children's songs. I know Chloe likes singing and dancing so participative naman siya. 




Then, the teacher showed them a chart with circles with different colors. The teacher asked the student what are the colors. Maraming bata ang sumagot. Ang anak ko, wapakels! The teacher asked children who want to recite in front of the class, halos karamihan sa kanila nag-recite. Ang anak ko - deadma! 

Pagkatapos mag-recite ng mga classmates niya, the teacher asked "Sinong may dalang baon?". Agad-agad sumagot ang anak ko. "Ako po teacher, may dalang baon." Oh diba? Ambilis sumagot pag pagkain ang tinatanong. :) 




While waiting for other children to finish their food, si Chloe - naglalaro ng laway. Favorite pastime. Pinapalobo niya tapos pinapaputok. Ako naman, todo senyas sa kanya na itigil niya yung ginagawa niya. Lahat ng parents nakatingin sa mga bata. I heard someone near me "Tignan mo yung bata. Naglalaro ng laway." Natawa na lang ako. Gusto kong sabihin "Anak ko yan.Talent niya yan." Haha :) 

The teacher gave them their quiz booklet. First activity - color the apple. Chloe took more time chatting with her seatmate than coloring the picture. Checked her work - it wasn't perfect but just fine. 




Told myself not to stress it. Let her enjoy school. No pressure. 

Nagpaalam ako kay Chloe na susunduin ko muna si Dadi niya. Ayaw magpa-iwan. 

Chloe: Pag umalis ka, wala ako Momi dito. 

Pag nawawala ako sa paningin niya sumisigaw ng 'Mommy! Mommy!" 

Nagpalusot na lang ako na bibili muna ako ng pencil case niya tapos babalik din agad ako. Nung nakatalikod na, tinakasan ko. 

Nagmamadali kameng bumalik sa school dahil kinakabahan ako na baka lumabas siya at hanapin ako. hindi ako kinakabahan na baka mag-iiyak siya dun dahil hindi naman iyakin ang anak ko. 

On our way back to school, nakasalubong na namen yung mga classmates nya. Nakupow! Nag-uwian na. Advanced pala yung orasan sa classroom nila. 

Pagdating namen, nasa loob naman siya ng classroom together with the teacher and assistant teacher. She smiled and ran towards us. 

Chloe: Momi, lumabas ako kanina. Di ako nagpaalam kay teacher. Sabi niya wag daw ako lalabas kasi may nangunguha daw ng bata. 

Yan na nga ba ang sinasabi ko eh! 

I reminded her not to go outside the classroom pag wala pa kame. 

The school has a playground inside the compound. A very good thing for Chloe because she likes to play. We stayed few minutes and let her play. 






Nung madumi na yung uniform niya, nag-aya ng umuwi ang Dadi niya. Kinakabahan na baka mahirapan siyang tanggalin yung mga mantsa. :) 




Pagdating sa bahay, may uling na yung uniform niya. Di ko alam kung saan siya nadikit. Kalerkei! 




Anyway, I asked her if she's happy and she answered a resounding YES! 

Happy kid. Happy Mom and Dad. 

No comments:

Post a Comment