Sunday, August 11, 2013

Review: Cobra Energy Drink

Adik si Dadi Duz sa Cobra. Walang isang araw ang lumilipas na hindi siya umiinom nito. Kahit nung wala pa siyang work, umiinom pa rin siya niyan. Pinagsabihan ko na siya dati na wag na siyang uminom kung hindi naman kailangan. 



Now that he's working, he drinks 3 bottles of Cobra a day. OMG diba. I noticed na lagi siyang antok na antok at di makabangon pag nag-wear off na ang effect ng energy drink. It became one of the reasons why we fight. Di ko kasi maintindihan bakit pag off niya eh natutulog siya maghapon-magdamag. The culprit? Yes, Cobra.

We talked about it and that's the time I learned na 3 bottles na ang iniinom niya ngayon everyday. Na-addict na daw kasi siya. I told him to stop it as soon as possible dahil maraming side effects yan.

I researched the net and I found out that energy drinks cause heart palpitation, restlessness and dizziness. It can cause blood clot and bad moods. Actually there are more bad side effects than good ones. May chismis pa nga na nakakalapot daw ng dugo ang Cobra. I dunno how true is that. 

I also read that it's very risky to drink alcohol with energy drinks. Why? Alcohol is a downer while the latter is an upper. The mix of the two confuses the heart so it just stops. Energy drinks have a lot of stimulants, while alcohol is a depressant so by mixing the two, you're sending mixed messages to your nervous system which can cause cardiac related problems. I told this to Duz. Ang pagkakalam niya - dapat daw uminom ng energy drink bago alak para di daw malasing agad. That's a common myth!

2 days ng hindi siya umiinom ng Cobra. Minsan daw nate-tempt siya dahil parang hinahanap na ng katawan niya pero bumibili na lang daw siya ng candy or chocolate. So far, may pagbabago nga sa pagtulog at pag-gising niya. I am researching other alternatives to boost a man's energy in a natural way. Tama na yang mga energy drink na yan dahil puro chemical yan.

I told Duz, "Isipin mo na lang, yang Cobra na yan, ahas yan! I-e-energize ka niya at first pero pag lumipas na yung epekto niya, yung kabaligtaran naman ang mararamdaman mo. Mas malala pa."

Do you know some alternatives of Energy Drinks?




No comments:

Post a Comment